Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Templo ng Longxing

(GMT+08:00) 2013-04-23 15:21:37       CRI

Ang Templo ng Longxing (Longxing Temple / Chinese: 隆興寺) ay isang sinaunang monasteryo ng Budismo. Ito ay makikita sa Zhengding, Hebei at may layo na 15 kilometro mula sa lungsod ng Shijiazhuang.

Mula Dinastiya ng Sui hanggang Dinastiya ng Qing, itinuturing na isang importanteng sentro ng pananampalata ang Zhengding. Dito itinatag ang isang mahalagang sangay ng Zen Buddhism.

Ang Templo ng Longxing ay tinaguriang "Unang Templo sa Timog ng Beijing" at ito'y itinayo noong 586 AD. Ang Templo ng Longxing ay kabilang sa 10 Kilalang Templo ng Budismo sa Tsina at hanggang sa kasalukuyan nakatayo sa loob nito ang mga pabilyon at bulwagan na sikat dahil sa bukod tanging arkitektura.

Isang national protected site ang Templo ng Longxing at makikita ang mga "stone tablets" na naglalaman ng mga mahahalagang kautusan ng emperador ng Tsina.

ROW OF STONE SLABS

Nakakatawag pansin at palaisipan kung bakit sa isang bahagi ng hardin sa templo ay may mga istatwa ng Buddha na pugot ang ulo.

HEADLESS BUDDHA

Isang bukod tanging halimbawa ng wood architecture mula ika-12 siglo ang makikita sa loob ng Pavilion of the Rotating Library. Nandito ang pinakalumang naiikot na iskaparate ng libro sa buong mundo at noong araw dito inilalagay ang mga banal na teksto at sutra ng Budismo.

ROTATING BOOKCASE

PAANO MARARATING:

Bus mula sa Shijiazhuang: Bus # 177, sasakay sa Zhongshan Lu Kou at bababa sa Tiyu Nan Da Jie. Pamasahe 15-20RMB at tatagal ng 20 minuto ang byahe. Hihinto ang bus sa tapat ng templo.

Taxi mula sa Shijiazhuang Railway Station: 75RMB

BAYAD SA PAGPASOK:

50 RMB - Matanda

25 RMB - Bata

25 RMB - Estudyante

ORAS: 09:00-16:00

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>