|
||||||||
|
||
Shijiazhuang ang kabisera ng lalawigan ng Hebei. Kapit-lunsod ito ng Beijing at pwedeng marating sa loob ng 1 at kalahating oras kung sasakay ng speed train. Kumpara sa Beijing, ang Shijiazhuang ay isang maliit na lunsod, pero may mga katangian ito na kaakit-akit sa mga tao. At ito ang dahilan kung bakit maraming mga Pilipino ang kasalukuyang naninirahan dito.
Kilalanin natin ang Shijiazhuang sa tulong ng mga Pilipino na nagtratrabaho ditto. Sila ay sina Aries Demot, Ruben Antonio, Wacky Gatbonton, Mark Gonzales at Reymond Ringor mga guro sa English Campus Education.
Mga guro sa English Campus Education: Aries Demot, Ruben Antonio, Mark Gonzales Wacky Gatbonton, at Reymond Ringor
Si Aries, na tumatayong pinaka-senior na teacher ng grupo ay siya ring kuya-kuyahan ng kanyang mga kasama sa trabaho. Pitong taon na siya naninirahan sa Shijiazhuang at ibinahagi niya ang pagbubukas ng lungsod sa mga dayuhan.
Ayon kay Reuben, "di magarbo ang pamumuhay sa Shijiazhuang. Kung ikukumpara sa Beijing na napakataas ng cost of living, dito di masyado." Sang ayon si Mark dahil ani ng guro mas maganda ang kalidad ng kanyang pamumuhay dito.
Ikalawang tahanan na para kina Ruben, Wacky at Reymond ang Shiujiazhuang. Simple man ang lungsod, nahanap naman nila oportunidad para maisakatuparan ang kanilang mga pangarap.
Maraming pwedeng pasyalan sa Shijiazhuang. Alamin natin kung saan magandang pumunta. Pakinggan ang panayam sa pamamagitan ng audio link sa itaas, mas mainam kung gagamit ng Internet Explorer.
Iba pang kuwento ng mga Pinoy sa Shijiazhuang: LEO NAVARRO--Mountain Biking at ang mga tanawin sa Shijiazhuang
Si Mommy Fei at ang kanyang mga kaibigang Pinoy
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |