|
||||||||
|
||
Kenneth Gan
|
Tatlong taon nang ipinatutupad ng Xavier School sa pakikipagtulungan sa Beijing Chinese Language and Culture College ang Xavier China Experience. Ito'y isang programa na hangad ay mas mahasa ang mga high school students ng Xavier na magsalita ng Mandarin. Maraming mga aktibidad ang napapaloob sa summer program andyan ang mga modules na susubok sa abilidad ng estudyante na makipag-usap at makisalamuha sa mga taga-Beijing.
Kenneth Gan--Xavier School, Guro ng Business Management sa IBDP
Kinapanayam ng Serbisyo Pilipino si Kenneth Gan, Guro ng Business Management para alamin ang iba pang detalye ng Xavier China Experience. Natalakay din ang bentahe ng programang ito sa isang mag-aaral at ang hangarin ng guro para mas maging makabuluhan ang karanasan ng mga bata habang andito sa Tsina.
Si Kenneth Gan, kasama ang ilang mag-aaral mula sa Xavier School at mga reporter ng CRI
Pakinggan ang buong panayam sa audio link sa itaas, mas mainam kung gagamit ng Internet Explorer.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |