|
||||||||
|
||
ASEAN Ladies' Circle
|
Para sa buwanang pagtitipon ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) Ladies Circle o ALC isang cooking demo ang itinampok ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing.
Sa kanyang pambungad na salita sinabi ni Amb. Erlinda F. Basilio na ang pagkain ay nasa puso ng kulturang Pinoy. Ang bawat pagtitipon sa Pilipinas ay nagtatampok ng samu't saring mga lutuin at iba't ibang mga panghimagas. Dagdag ni Amb. Basilio ipinakikita ng mga Filipino ang init ng pakikipagkaibigan sa pamamagitan ng pagsasalu-salo.
Si Amb. Erlinda F. Basilio
Ang pagtitipon ay isa ring selebrasyon sa lakas ng kababaihan. Ayon kay Amb. Basilio dapat kilalanin ang malaking ambag ng kababaihan sa ibat ibang larangan. Sang ayon siya sa sikat na kasabihang Tsino na ang kalahati ng langit ay katumbas ng kababaihan.
Si Chef Roland Laudico, habang itinuturo ang pagluluto ng palabok
Walang iba kundi ang sikat na mag-asawang Chef Roland at Chef Jacquline Laudico ang nagbigay ng cooking demo. Itinuro nila ang mga tradisyunal na pagkaing Pinoy na Chicken Inasal, Pancit Palabok at Suman.
Ayon kay Mdm. Sri Nuraeni Cotan, maybahay ng Indonesian Ambassador na ito ay isang magandang pagkakataon para matuto hinggil sa kultura ng isa't isa.
Balak namang subukan ni Mdm. Kim Loh, Chair ng ALC at maybahay ng Singaporean Ambassador ang magluto ng palabok dahil ito raw ay katulad ng Singaporean Prawn Noodles. Ibinahagi rin niya ang iba pang mga aktibidad ng ALC sa malapit na hinaharap.
Ang ALC Tea Party na nagtampok ng "Flavors of the Philippines" ay bahagi ng mga aktibidad ng Years of Friendly Exchanges. Inaanyayahan ni Amb. Basilio ang mga Filipino at kanilang mga kaibigang Tsino na abangan ang film fest na magtatampok ng piling pelikulang Pilipino.
Pakinggan ang buong panayam sa audio link sa itaas, mas mainam kung gagamit ng Internet Explorer.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |