![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
MPST20130703 Dive Sites sa Pilipinas
|
Kung ikukumpara sa mga bansa sa Timog Silangang Asya, di padadaig ang dive sites sa Pilipinas. Napakayaman ng mga buhay-dagat at isang bukod tanging karanasan ang sumisid at malapitan ang mga ito. Dagdag pa rito, atraksyon din ang mga lumubog na galleon. Wala ring makakapantay kung mga bahura ang paguusapan.
Sa pangunguna ni Jazmine Esguerra, Attache ng Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas, ang mga lugar na ito ay ipinakilala sa mga diving enthusiasts sa Bejing.
Ang dive seminar na ginanap sa Kempinski Hotel Beijing kamakailan ay dinaluhan ng mga dive groups at tour operators na Tsino.
Tatlong lugar ang napiling itampok: Batangas, Gitnang Visayas at Palawan kung saan makikita ang bantog na Tubbataha Reef.
Si Ding Ho ng Discovery Fleet Corporation
Ayon kay Ding Ho, tour guide na may higit 35 taong karanasan sa industriya ng turismo at kinatawan ng Discovery Fleet Corporation, na kung bentahe at bentahe ang paguusapan malakas ang hatak ng diving sa Pilipinas.
Si Catherine Carballo ng Diveworx Philippines
Naka base sa Dumaguete at Dauin ang operasyon ng Diveworx Philippines. Sina Glenn at Catherine Carballo ang kumakatawan sa mga dive resorts na nakabase sa mga lalawigan ng Negros Oriental, Bohol, Siquijor at Cebu. 100% kumpanyang Pinoy ang Diveworx at may 14 na taong karanasan ito pagdating sa deep sea diving. Ipinagmamalaki nila ang Visayan hospitality na naghihintay sa mga kaibigang Tsino na sisisid sa karagatan ng Visayas.
Pakinggan ang buong panayam sa audio link sa itaas, mas mainam kung gagamit ng Internet Explorer.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |