|
||||||||
|
||
Sa Ika-10 ng Agosto, isuot ang inyong de-gomang sapatos, magtungo sa 9th China (Beijing) Garden Exposition sa Distrito ng Fengtai, at sumali sa tinaguriang "pinakabonggang 5 kilometrong marathon sa buong daigdig:" ang Color Run.
Ito ay isang 5 kilometrong di-inoorasang marathon, kung saan, sinasabuyan ng pulbos na may ibat-ibang ibang kulay ang mga kalahok tuwing makakatapos ng 1 kilometro.
Pagdating sa finish line, isang higanteng "Color Festival" ang gagawin, kung saan mas marami pang de-kolor na pulbos ang isasaboy sa lahat ng kalahok.
Ang Color Run ay isang kakaibang karera, upang ipagdiwang ang kalusugan, kasiyahan, indibiduwalidad, at pagtulong sa komunidad.
Mayroon itong dalawang panuntunan: una, magsuot ng puting damit sa starting line at panagalawa, kailangan matadtad ng ibat-ibang kulay ang inyong damit pagdating sa finish line.
Nagsimula noong Enero 2012, nagkaroon ito ng mahigit 50 event na nilahukan ng 600,000 mananakbo: ngayong taon, mayroon na itong mahigit 100 event at mahigit 1 milyong kalahok.
Kahit sino ay maaring sumali sa Color Run: mula 2 taong gulang hanggang 80 taong gulang, baguhan man o propesyunal na mananakbo ay maaring sumali.
Para sa mga karagdagang detalye, mag-log-on lang sa www.thecolorrun.com.cn.
/end/
Aritikulo: Rhio Zablan
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |