Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Amb. Erlinda Basilio, Ipinaabot ang Hangaring Pangkapayapaan

(GMT+08:00) 2013-10-29 19:09:36       CRI

Sa resepyong ginanap kagabi sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing para sa CRI Serbisyo Filipino at mga nagtapos, guro at mag-aaral ng Philippine Studies sa Peking University, ipinahayag ni Ambassador Erlinda Basilio ang pasasalamat sa malaking ambag ng dalawang grupo sa pagpapasulong ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay binuksan ni Amb. Basilio ang kanyang tahanan para sa ilang piling panauhin. Sinabi niyang tulad ng Tsina, pinahahalagahan din ng Pilipinas ang kapayapaan. Kinikilala nito ang mahabang kasaysayan ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. At ang China Dream ay katulad din ng adhikain ng Pamahalaang Pilipino na paunlarin ang pamumuhay ng mga mamamayan nito. Dagdag niya na ang ganitong mga pagtitipon ay mainam na paraan para maipaliwanag ng husto ang perspektibo ng mga Pilipino lalo pa't may di-pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang panig.

Ayon sa Sugong Pilipino ang salu-salo ay isang paraan nang pagpapalalim ng pagkakaibigan at pagpapaabot ng taos pusong hangarin ng mga Pilipino na palaguin ang ugnayan ng dalawang bansa.

Sa Sabado, lalahok ang Pasuguan ng Pilipinas sa taunang Charity Fair ng Ministry ng Ugnayang Panlabas ng Tsina. Inaanyayahan ni Amb. Basilio ang lahat ng mga Pilipino na suportahan ang baratilyong pangkawanggawa na gaganapin sa Chaoyang Park, Beijing simula 10:00 ng umaga. Pagkakataon na rin ito para sa mga kababayan na makabili ang mga produkto mula sa Pilipinas na mahirap mahanap dito sa Beijing.

Ulat ni Machelle Ramos

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>