Philippines-China Friendship Day, ipinagdiwang

Ipinagdiwang ngayong araw sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing sa pamamagitan ng isang konsierto at salu-salo ang ika-13 Friendship Day ng Pilipinas at Tsina. Ang aktibidad ay magkasamang itinaguyod ng pasuguan at ng China Radio International Serbisyo Filipino. Ang tema ng pista ay "Hawak-kamay."

Sa araw na ito ginugunita rin ang ika-39 na anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.

Sa kanyang mensaheng pambati sinabi ni Ambassador Erlinda Basilio na ang pagdiriwang ay ihinalintulad sa isa pistang Pinoy na magsisilbing tsanel para makakilala ng bagong kaibigan, mapaigting ang samahan at mapalalim ang ugnayan. full story

Hinggil sa Aktibidad
Para sa ika-39 na anibersaryo ng relasyong Sino-Pilipino, inilulunsad ng Serbisyo Filipino ng China Radio International (CRI) sa pakikipagtulungan sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing ang "Selebrasyon ng Pagkakaibigan". Kaugnay nito, hinihingi po namin ang inyong mungkahi para sa mga awit at mensaheng pangkaibigan. Ang mapipiling kanta at mensahe ay aming isasama sa isang pagdiriwang na gagawin sa Hunyo 8, 2014 sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing.

Para sa mga Pilipino, mahalagang bahagi ng buhay ang kape. Para sa mga Tsino, hindi puwedeng mawala ang tsaa. Tulad ng kape at tsaa, ano pa sa tingin ninyo ang puwedeng sumimbolo sa buhay Pinoy at Tsino? Piliin ang sagot sa ibaba. At kung mayroon kayong sariling ideya sa mga sumimbolo sa buhay Pinoy at Tsino, puwede ring sabihin sa amin.