Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bullet train mula Beijing patungong Xiamen, isasaoperasyon

(GMT+08:00) 2014-06-26 15:13:12       CRI

Para sa mga laging nagbibiyahe o nais bumisita sa Guangzhou o Timog ng Tsina, mayroon na pong bagong alternatibo sa pagsakay ng eroplano. Nakatakdang magsimula ang operasyon ng linya ng bullet train mula Beijing patungong Xiamen sa unang araw ng Hulyo 2014. Ang tren na may numerong G165 ay lilisan mula sa Beijing South Railway Station, sa ganap na alas otso kuwarent 'y singko (8:45) ng umaga sa July 1: ito ay darating sa Xiamen, alas nuwebe 'y treinta ng gabi (9:30).

Ang 1,700 kilometrong biyahe, na tatagal ng mahigit 12 oras, ay dadaan sa mga istasyon sa mga lunsod ng Jinan, Nanjing, Shanghai, Wenzhou, at Fuzhou. Samantala, magsisimula naman sa July 2, 2014 ang biyahe mula Xiamen patungong Beijing. Ang tren na may numerong G166, na bibiyahe mula Xiamen patungong Beijing ay aalis, alas siyete singkuwenta 'y tres ng umaga (7:53): ito ay darating ng Beijing alas otso treinta 'y singko ng gabi (8:35).

Ang presyo ng ticket ay nasa mahigit 2,500 RMB para sa business class, mahigit 1,200 RMB para sa first class, at mahigit 800 RMB para sa second class.

Kung ating ikukumpara, ang pinakamurang direct flight mula Beijing patungong Xiamen ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang 1,000 RMB. Ito ay tatagal ng 2 oras at 50 minutos.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>