Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kung kayo ay ipinanganak sa Taon ng Dragon, narito ang inyong kapalaran sa taong ito

(GMT+08:00) 2015-03-20 10:56:08       CRI

Taon ng Dragon: 1904, 1916, 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012

Ang Dragon ay itinuturing na buwenas na hayop sa horoscope na Tsino. at ayon sa Limang Elementong Teorya ng Tsina, ang mga Dragon ay nabibilang sa Grupong Lupa.

Sa taong 2015, ang mga tao na isinilang sa taon ng Dragon ay magiging mas pagod sa trabaho. Pero, dapat nilang ingatan ang kanilang kaligtasan sa taong ito.

Karera: Ang taong 2015 ay makakabuti sa karera ng mga taong isinilang sa taon ng Dragon. Makakakita sila ng mga pagkakataon sa hanap-buhay. Samantala, magiging mas pagod sila sa trabaho, at magiging mas malaki ang presyur sa kanilang trabaho.

Kaya kung maisasaayos nila ang balanse sa trabaho at personal na buhay,

magiging tagumpay ang karera nila sa taong 2015. Kung hindi kayang tugunin ang mga ito, dapat humingi ng tulong mula sa mga kaibigan, katrabaho at kamag-anak.

Kaya para sa mga taong isinilang sa taon ng Dragon, ang pagpapanatili ng magandang relasyon sa ibang mga tao sa kanilang paligid ay pangunahing pundasyon, para maigarantiya ang tagumpay ng kanilang karera sa taong 2015.

Pera: Ang taong 2015 ay magandang taon para sa karera ng mga taong isinilang sa taon ng Dragon, pero hindi ito magdudulot ng pagkakataon sa pagkakaroon ng maraming pera. Kaya, hindi sila dapat magsagawa ng bagong negosyo sa taong ito.

Pag-ibig: Ang taong 2015 ay hindi masuwerteng taon para sa mga taong isinilang sa taon ng Dragon.

Para sa mga single ladies na isinilang sa taon ng Dragon, madali nilang makikita ang mga tipong lalaki sa taong ito, pero mahirap silang maging magkasintahan o magpakasal. Kaya kailangan ang maraming pasensya sa pag-ibig at gumugol ng mas maraming oras para patatagin ang pundasyon ng kanilang relasyon.

Para sa mga single boys na isinilang sa taon ng Dragon, dapat silang lumahok sa mas maraming social activities sa Marso, Agosto, Setyembre at Nobyembre ng taong 2015.

Kalusugan: Ang taong 2015 ay makakabuti sa karera ng mga taong isinilang sa taon ng Dragon, dapat nilang bigyang-diin ang kanilang kalusugan at buong sikap na mag-ehersisyo pagkatapos ng trabaho.

Bukod dito, dapat nilang bigyan ng atensyon ang kalusugan sa kanilang digestive system, stomach, spleen and muscle.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>