|
||||||||
|
||
sw20150529.m4a
|
Mga kababayan, sa episode na ito ng Sa Pali-paligd ng Tsina (SPT), bibiyahe tayo sa Zhuhai. Ito ay isang maliit na lunsod sa Pearl River Delta. Ang kalupaan ng Zhuhai at Macao Special Administrative Region ay magkarugtong kaya, ang Zhuhai ay ang gate kung saan pumapasok ang mga taga-Chinese mainland sa MacaoSAR.
Ang Zhuhai ay isa ring premier tourist destination na may dalampasigan sa dakong timog ng Tsina. Ito ay tinatawag na "Chinese Riviera."
Sa Zhuhai, mayroon ding isang magandang lugar na panturista, ang bagong Yuan Ming Yuan o Winter Palace. Ang Winter Palace ay isang magandang royal garden ng Emperador ng Dinastiyang Qing ng Tsina. Pero, noong 1860, ito ay sinunog ng magkasanib na tropa ng Britanya at Pransya. Ang Bagong Winter Palace sa Zhuhai ay itinatag noong 1997, alinsunod sa original Winter Palace.
Chimelong International Ocean Resort ay matatagpuan sa Hengqin district sa dakong timog Zhuhai. Taglay ng Chimelong Ocean Kingdom ang isa sa pinakamalaking aquarium sa buong mundo. Dito, makikita ang mga whale shark, beluga whales, polar bear, at iba pang cute na cute na hayop. Ito rin ang winner ng 2014 Award for Outstanding Achievement (Theme Park).
Bukod diyan, may mga outdoor event din na gaya ng float parade, circus at incredible fireworks finale sa itaas Hengqin Ocean.
Ang Zhuhai Fisher girl statue naman ang symbol ng lunsod ng Zhuhai, 8.7 metro ang taas nito at 10 tonelada ang timbang.
Umaabot sa 147 ang mga pulo sa paligid ng Zhuhai. Sa mga ito, ang Yeli Island ay isang pulo na pinakamalapit sa lunsod ng Zhuhai. Ang "Yeli" sa wikang Tsino ay nangangahulugang "Wild fox." Ayon sa alamat, isang leon at isang fox ang naglaban. Sa banding huli, natalo at namatay ang leon at naging isang bundok. Sa kasamaang-palad, namatay din ang fox at naging isang pulo. Kung makikita ang Yeli Island mula sa malayong lugar, ang outline nito ay parang fox, at ang bundok na kung tawagin ay "Lion Hill" sa tapat nito ay parang lion.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |