Sa halalang pamparliamentong naganap, Hulyo 16,2019, naihalal bilang bagong Pangulo ng European si Ursula von der Leyen mg manya.
Pormal niyang papalitan ang kasalukuyang Pangulo ng European Commission na si Jean-Claude Juncker sa Nobyembre 1, 2019. Siya ang magiging unang babaeng Pangulo ng European Commission.
Kaugnay nito, nagtalumpati nang araw ring iyan si von der Leyen sa European Parliament upang ipakilala ang kanyang patakaran. Sinabi niya na ang EU ay dapat gumawa ng mas maraming hakbang upang labanan ang pagbabago ng klima, tupdin ang layuning "Climate-neutral" bago 2050 at isulat ang layuning ito sa unang batas ng EU upang matugunan ang pagbabago ng klima.