Ang taong 2019 ay ika-18 anibersaryo ng pagkakalagda ng Sino-Ruso Treaty of Good-neighborliness and Friendly Cooperation. Hinggil dito, sinabi ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, noong Hulyo 17 na ang relasyong Sino-Ruso ay pumapasok sa isang bagong panahon, at ito ay magiging mas matatag, mas malakas at mas masigla. Dagdag ni Geng, walang-tigil ang kooperasyon ng dalawang panig para palalimin ang estratehiyang pagtutulungan sa iba't ibang larangan upang ipagtanggol ang internasyonal na pagkakapantay-pantay at katarungan, at magdala ng mas positibong lakas sa mundo.
Samantala, ayon sa mga ulat, pinabulaanan, Hulyo 17 ni Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Russia ang "China Threat". Sinabi niyang ang komprehensibong pagtutulungang Sino-Ruso ay pumapasok sa isang bagong panahon. Ang prinsipyo ng pagpapaunlad ng mabubuting relasyon sa pagitan ng dalawang bansa ay komprehensibo at matagal na, ani Lavrov. Aniya pa, ang pagtutulungan sa pagitan ng dalawang bansa ay hindi nakatuon sa anumang ikatlong bansa. Binigyan -diin niyang ang relasyong Sino-Ruso ay isinusulong upang itaguyod ang ekonomiya at panlipunang pag-unlad, at kasaganaan ng dalawang bansa.
Bilang tugon, sinabi rin Geng na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang positibo at malinaw na pahayag sa relasyon ng Tsina at Russia na ibinigay ni Lavrov. Sa mga nakalipas na taon, sa ilalim ng pamumuno ng mga pangulo ng dalawang bansa, ang relasyong Sino-Ruso ay nagkamit ng malaking pag-unlad, saad niya. Dahil dito, maraming resulta mula sa iba't ibang mga larangan.