Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Organong pandaigdig, nanawagang siyentipikong harapin ang influenza A

(GMT+08:00) 2009-05-05 15:31:09       CRI

Nanawagan kahapon ang mga organong pandaigdig na siyentipikong harapin ang epidemiya ng influenza A.

Sa espesyal na pulong ng ng pangkalahatang asembleya ng UN hinggil sa isyu ng influenza A, sinabi ni Ban Ki-moon, pangkalahatang kalihim ng UN, na dapat isagawa ng iba't ibang bansa ang isang malakas na bagong multilateral na kooperasyon para harapin ang kasalukuyang epidemiya.

Nanawagan si Margaret Chan, Direktor Heneral ng World Health Organization, na sa kasalukuyang kalagayan ng resesyon ng kabuhayang pandaigdig, hindi dapat isagawa ng mga bansa ang mga hakbangin na posibleng magdudulot ng negatibong epekto sa mga larangan ng kabuhayan at lipunan.

Sa kabilang dako, unti-unting napapanumbalik ang normal na kaasyusang panlipunan ng mga purok na malubha ang epidemiya na gaya ng Estados Unidos at Mexico. Ipinatalastas kahapon ni Felipe Calderon, Pangulo ng Mexico, na dahil matatag na ang kalagayan, mapapanumbalik ang normal na takbo ng mga paaralan, kindergarden at iba't ibang sektor ng buong bansa. Ngunit anya, dapat pag-ibayuhin pa ang mga hakbangin ng pagpigil sa epidemiya.

Nang araw ring iyon, sinabi ni Robert Gibbs, Tagapagsalita ng White House ng E.U., na ayon sa optimistikong palagay, natapos na ang pinakamalubhang yugto ng epidemiyang ito, ngunit dapat panatilihin pa ang pagmamatyag dito at nagsisikap ang mga siyentistang Amerikano para idebelop ang bakuna.

Ayon sa pinakahuling estadistika ng WHO, hanggang ngayong tanghali, 1085 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng influenza A sa 21 bansa at rehiyon sa buong daigdig at kabilang dito, 26 sa Mexico at E.U. ang namatay.

Salin: Ernest

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>