Binigyang-diin kahapon ni Fang Cheng, eksperto ng UN Food and Agriculture Organization, na hindi makakaapekto sa karne ng baboy ang influenza A virus at makakain ang karne pagkaraang lutuin.
Sinabi ni Fang na sa kasalukuyan, hindi nakukuha ng kanyang organisasyon ang anumang katibayan na makakaapekto ang influenza A virus sa karne ng baboy at ang virus mismo ay papatayin sa maikling tagal kung iinitin sa temperaturang 70 degree centigrade pataas. Kaya anya, ligtas ang pagkain ng nilutong karne ng baboy.
Bagama't sinabi rin niyang para maiwasan ang pagkalat ng virus sa pagitan ng hayop at sangkatauhan, dapat igarantiya ang sanitasyon ng hayop.
Salin: Liu Kai