Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, ibayong pang palalakasin ang pagpigil sa influenza A

(GMT+08:00) 2009-05-06 09:33:58       CRI
Nangulo kahapon si premyer Wen Jiabao ng Tsina sa pulong ng Konseho ng Estado para pag-aralan at isaayos ang ibayo pang pagpapalakas ng mga hakbangin ng pagpigil sa epidemiya ng influenza A.

Tinukoy ng pulong na kinakaharap pa ng Tsina ang panganib ng pagkalat ng epidemiyang ito sa loob ng bansa, kaya dapat panatilihin ang lubos na pagmamatyag. Dapat patuloy na palakasin ng Tsina ang pagsusuri sa aspekto ng pagpasok-labas at kung matutuklasan ang may-sakit, agarang isagawa ang quarantine, pagsusuri, diyagnosis at paglunas. Kasabay nito, dapat itatag ang koordinadong mekanismo kasama ng Hong Kong, Macao at Taiwan, palakasin ang pakikipagkooperasyon sa mga bansa at organisasyong pandaigdig at ipagkaloob ang pondo, materyal o teknolohiya sa mga bansang nangangailangan ng tulong.

Sa kasalukuyan, aktibo ang iba't ibang lugar ng Tsina sa gawain ng pagpigil sa epidemiya at isinasagawa ng mga organong pananaliksik ang mga gawain hinggil sa maagang pagbabala sa epidemiya, mabilis na diyagnosis, pagrereserba ng gamot at pagdedebelop ng bakuna.

Salin: Liu Kai

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>