Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isang pinaghihinalaang kaso ng influenza A, iniulat sa interyor ng Tsina

(GMT+08:00) 2009-05-13 09:22:21       CRI
Iniulat kahapon sa Lalawigang Shandong sa silangang Tsina ang isang pinaghihinalaang kaso ng influenza A.

Ang may-sakit ay isang 19-taong gulang na mag-aaral Tsino ng isang pamantasan ng Kanada. Sakay ng flight AC029, lumisan siya ng Kanada noong ika-7 ng buwang ito at dumating ng Beijing noong ika-8. Sumakay din siya ng Train D41 mula sa Beijing papuntang Ji'nan, punong lunsod ng Shandong.

Sa kasalukuyan, binibigyang-lunas ang may-sakit na ito sa ospital sa Ji'nan at humupa ang kanyang kalagayan. Ipinaalam na ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina ang impormasyong ito sa World Health Organization, mga bansa at rehiyon. Hinahanap din ng ministring ito, kasama ng mga may kinalamang departamento ang mga kasakay ng may-sakit sa flight at tren.

Kaugnay naman ng kauna-unahang kumpirmadong kaso sa interyor ng Tsina, normal ngayon ang kanyang temperatura at bumuti ang kalagayan. Ipinasasailaim sa quarantine ang kanyang mga kasakay.

Salin: Liu Kai

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>