Ipinakikita ng materyal ng lupon ng gawain ng kababaihan at kabataan ng Konseho ng Estado ng Tsina na namumukod sa mga umuunlad na bansa ang pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng kababaihan at kabataan ng Tsina at mayroon itong sariling bentahe kumpara sa mga maunlad na bansa.
Ayon sa salaysay, sa kasalukuyan, walang humpay na bumubuti ang mga batas at regulasyon ng Tsina sa pangangalaga sa karapata't kapakanan ng kababaihan at kabataan, ipinauuna ng mga bagong sinusugang batas na gaya ng Marriage Law, Law on the Protection of Rights and Interests of Women, Law on the Protection of Minors at Compulsory Education Law ang nilalamang may kinalaman sa pangangalaga sa karapata't kapakanan ng kababaihan at kabataan, pahalaga nang pahalaga ang papel ng kababaihan sa pulitika, kabuhayan at pamumuhay, ang bilang ng kababaihang may trabaho ay katumbas ng 45.5% ng kabuuang bilang ng mga may-trabaho sa buong lipunan, ang mga babaeng kadre ay katumbas ng 38% ng kabuuang bilang ng mga kadre, walang tigil na tumataas ang lebel ng pagtanggap ng edukasyon ng kababaihan at kabataan at tuluy-tuloy na bumubuti ang kondisyon ng kalusugan nila.
Salin: Vera