|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Isasagawa samakalawa ang ika-3 beses na paghuhukay sa pits No.1 ng terra-cotta warriors and horses ng Emperor Qin Shihuang's Mausoleum sa Xi'an ng Tsina. Noong 1985, isinagawa ang nagdaang paghuhukay, pero dahil sa limitasyon sa teknolohiya at kagamitan, itinigil ang naturang paghuhukay pagkaraan ng isang taon.

Nang kapanayamin ng mamamahayag ng CRI, ipinahayag ngayong araw ni Zhou Kuiying, opisyal ng Kawanihan ng Relikyang Pangkultura ng Lalawigang Shaanxi, na sa kasalukuyan, mahusay ang mga kinauukulang teknolohiya ng pangangalaga at pagkukumpuni sa terra-cotta warriors, bagay na nagkakaloob ng kinakailangang garantiya sa ika-3 beses na paghuhukay.
Salin: Vera
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |