|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Sinabi ni Hu sa mensahe na sa pamumuno ni Arroyo, gumawa ang Pilipinas ng walang humpay na pagsisikap sa mga aspekto ng pagpapaunlad ng kabuhayan, pagbabawas ng kahirapan at pangangalaga sa katatagan ng lipunan at kumuha ng positibong bunga. Anya, pinagpapala ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang Pilipinas na patuloy na kumuha ng bagong bunga sa konstruksyon ng bansa.

Sinabi rin ni Hu na ang Tsina at Pilipinas ay matalik na kapitbansa, malawak ang komong kapakanan ng dalawang bansa at mahigpit ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Sa kasalukuyang kalagayan ng pandaigdig na krisis na pinansyal, nakahanda anya ang Tsina na palakasin ang pakikipagtulungan sa Pilipinas para maisakatuparan ang komong kaunlaran at mapasulong sa bagong antas ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |