Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nagsisikap para mangalaga sa kalayaan sa pananampalataya

(GMT+08:00) 2009-08-13 19:33:25       CRI
Ang Tsina ay isang bansang may iba't ibang nasyonalidad at karamihan sa kanila ay may relihiyong pananampalataya. Batay sa konstitusyon ng Tsina, binalangkas ng pamahalaang Tsino ang mga patakaran na igalang at pangalagaan ang kalayaan sa pananampalataya ng mga pambansang minoriya at igarantiya ang lahat ng normal na aktibidad ng relihiyon ng mga citizen ng pambansang minoriya.

May 100 miyong tagasunod ng iba't ibang relihiyon, may 85 miyong lugar ng pagsasagawa ng panrelihiyong aktibidad at may 30 miyong organisasyong panrelihiyon sa Tsina. Bilang naghaharing partido, kahit hindi sambahan ang anumang relihiyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), mula't mula pa'y, iginagalang nito ang kalayaan ng pananampalataya at ang naturang mga bilang ay mabuting patotoo.

Si G. Feng Jinyuan ay isang dalubhasa sa institusyon ng pananaliksik ng relihiyon ng Chinese Academy of Social Science at gumagawa siya ng pananaliksik hinggil sa relihiyon nang halos 30 taon. Isinalaysay niyang sa Tsina, ang kalayaan ng pananampalataya ay napapangalagan ng konstitusyon at ito ng mga pambansang minoriya ay napapangalagan ng espesiyal na batas . Sinabi niyang:

"Ayon sa 'Batas ukol sa pamamahalang autonomo sa mga rehiyong pambansang minoriya', naigagarantiya ng mga pamahalaan ng rehiyong autonomo ang kalayaan ng pananampalataya ng mga mamamayan ng iba't ibang pambansang minoriya. Ang pangangalaga at paggalang sa Budismong Tibetano ay isang tipikal na halimbawa."

Ang Tibet ay isang rehiyong autonomo ng pambansang minoriya. Ang nakararaming Tibetano ay sumusunod ng Budismong Tibetano. Maaaring malayang isagawa nila ang iba't ibang aktibidad na panrelihiyon, halimbawa, pagdasal ng Buddhist, pagsamba ng Buda at iba pa, batay sa kanilang kusang-loob. Upang mapangalaga sa tradisyonal na kultura at pananampalataya ng relihiyon sa Tibet, bawat taon, naglaan ng pondo ang sentral na pamahalaan para sa pagkukumpani at pagmamantine ng mga templo at paglilimbag ng mga doktrinang Budista. Nang kapanayamin siya ng mga media ng E.U., ipinahayag ni Shinza Tenzin Choeta, living buda ng Gegyu Sect ng Budismong Tibetano na may lubos na kalayaan ng pananampalataya ang mga Tibetano, aniya:

"May mahigit 1700 templo sa Tibet at karaniwa'y may isang templo bawat karaniwang 1600 tao."

Bukod sa Budismo, may 22 miyong taga-sunod ng Islam sa Tsina at sa lahat ng 56 nasyonalidad ng Tsina, 10 ang sumusunod ng Islam. Sa Rehiyong Autonomong Uighur ng Xinjiang lamang, may mahigit 24 libong Moske at may isang Moske ang karaniwang 400 Muslim, ang abiyasyon ng moske ay mas mataas kaysa ito sa mga bansang Islamiko.

Bukod dito, iginalang ng pamahalaang Tsino ang ugali sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Muslim, binalangkas ang mga batas at regulasyon para sa pagpoproduse ng pagkaing Islamiko at pagtatatag ng mga libingan ng Muslim. Nitong ilang taong nakalipas, hinawakan ng mga departemento sa pagpapatupad ng batas ng Tsina ang mga kaso ng babasahing grabeng nakakasakit sa damdamin ng mga Muslim at napangalagaan ang karapatan at interes ng mga Muslim batay sa batas.

salin:wle

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>