Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagharap sa pagbabago ng klima, nangangailangan ng aktuwal at mabisang kooperasyon ng daigdig

(GMT+08:00) 2009-08-14 17:54:47       CRI

Sa isang regular na pulong ng konseho ng estado ng Tsina na idinaos kamakailan, tinukoy ng mga kalahok na papalapit ang Copenhagen Climate change conference ng UN, dapat harapin ang mga isyu ng pagbabago ng klima sa pamamagitan ng aktuwal at mabisang pagtutulungang pandaigdig. Tinukoy din ng pulong na dapat ilakip ang pagharap sa pagbabago ng klima sa planong pangkaunlaran ng pambansang kabuhayan at lipunan, at gawing pangunahing batayan ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas sa pagtatakda ng middle and long term estratehiyang pangkaunlaran ang pagkontrol sa pagbuga ng green house gas at pagbagay sa pagbabago.

Ayon sa pag-analisa ng United Nations Environment Programme, nitong taong 2008, bagama't napakahirap ng kalagayan ng financing, lumaki nang mahigit 5% ang laang-gugulin ng Tsina, Brazil at iba pang bagong economy kumpara sa taong 2007. noong isang taon, nabawasan nang 10% ang energy consumption per unit of GDP at mababawasan nang iba pang 5% sa taong ito, patuloy ang pagsisikap sa taong 2010. sa pamamagitan ng pagpapataas ng episyensiya ng paggamit ng enerhiya, ang Tsina ay may pag-asang mababawasan ng 1.5 bilyong tonelada ang pagbuga ng carbon dioxide sa darating na limang taon.

Sa kanyang pagdalaw sa Tsina kamakailan, dumalo si Ban Ki-Moon, pangkalahatang kalihim ng UN sa seremonya ng paglalagda ng kasunduan tungkol sa proyekto ng Tsina sa promosyon ng energy saving lamps sa halip ng incandescent lamps na magkasamang itinangkilik ng UN at pamahalaang Tsino. Tungkol sa pagsisikap na isinagawa ng Tsina sa pagharap sa pagbabago ng klima, sinabi ni Ban sa isang news briefing na:

" Napakalaki ng papel ng Tsina sa pagharap sa pagbabago ng klima sa buong daigdig at nagsisikap pa ang Tsina para rito."

ngayon taon ay masusing taon sa talastasan ng UN tungkol sa pagbabago ng klima. Sa darating na Disyembre, lalagda ang mga signataryong bansa ng UN Framework Convention on Climate Change ng Copenhagen Protocol, itatakda ang bagong kayarian ng daigdig sa pagbabawal ng pagbuga ng green house gas para halinhan ang Kyoto Protocol na tatapusin sa taong 2012.

Ipinalalgay ni Yu Qingtai, espesyal na kinatawan ng ministring panlabas ng Tsina sa talastasan ng pagbabago ng klima na kinikilala na ng karamihang maunlad na bansa ang kanilang responsbilidad na pangkasaysayan at natanggap ang kahilingan na unang mabawasan ang pagbuga. Pero, pagkaraang kumpirmahin ang Bali Road Map noong Diyembre ng taong 2007, mabagal ang pandaigdigang talastasan tungkol sa pagbabago ng klima nitong isa't kalahating taong nakalipas, ang susi ay dapat ibayo pang isagawa ng mga maunlad na bansa ang aktuwal na aksyon at ipagkaloob ang tulong na pinansiyal at teknikal sa mga umuunlad na bansa.

" Hinggil sa bolyum ng pagbabawas ng pagbuga ng mga maunlad na bansa, walang pagbabago ang paninindigang Tsino. Sa mula't mula pa'y, ipinalalgay naming dahil sa responsbilidad na pangkasaysayan ng mga munlad na bansa, dapat ipagpatuloy ng mga maunlad na bansa ang pagbabawas ng pagbuga pagkaraan ng taong 2012. ito ay hindi paninindigang Tsino lamang, kundi paninindigan ng lahat ng umuunlad na bansa."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>