Opisiyal na ipinatalastas ngayong araw ng lupong elektoral ng pambansang halalan ng Indonesiya na sa halalang pampanguluhan na idinaos noong ika-8 ng nagdaang buwan, nagwagi sina Susilo Bambang Yudhoyono, kasalukuyang pangulo ng Indonesiya at boediono, partner ni Susilo.
Sa seremoniya ng pagpapalabas ng resulta ng halalan, sinabi ni Abdul Hafiz Anshari, tagapangulo ng lupong elektoral ng Indonesiya, ayon sa resulta ng pagboto, nakuha nina Susilo at Boediono ang mahigit kalahating boto sa loob ng buong bansa at angkop sa tadhana ng panunungkulan bilang pangulo at pangalawang pangulo.
Salin:Sarah