Ayon sa tagapagsalita ng lupong preparatoryo para sa mga aktibidad sa Beijing bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, mula kagabi hanggang ngayong madaling araw, isinagawa sa pook ng Tian'anmen sa gitna ng Beijing, ang pag-eensayo ng mga aktibidad ng pagdiriwang na gaya ng pagtitipun-tipon, parada at evening gala.
Para mabawasan ang epekto sa pamumuhay ng mga mamamayan, isinagawa sa gabi ang pag-eensayo. Nauunawaan at kinakatigan ito ng mga residente sa Beijing. Sa panahon ng pag-eensayo, normal ang takbo ng lunsod.
Salin: Liu Kai