Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, patuloy na patitibayin ang pagbangon ng kabuhayan

(GMT+08:00) 2009-09-06 18:03:41       CRI
Sa pulong ng mga ministro ng pananalapi at puno ng bangko sentral ng Group of 20 na idinaos sa London, Britanya, ipinahayag nina Xie Xuren, ministro ng pananalapi ng Tsina at Zhou Xiaochuan, puno ng People's Bank of China, na patuloy na isasagawa ng Tsina ang hakbangin para patibayin ang tunguhin ng pagbangon ng kabuhayan.

Sa kanyang talumpati sa pulong, isinalaysay ni Xie ang kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan ng Tsina. Sinabi niyang mabunga ang serye ng plano ng pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan ng pamahalaang Tsino at nagbabangon ang kabuahayan, ngunit hindi pa matibay ang pundasyon. Sa susunod na yugto, patuloy na isasagawa ang proaktibong patakarang pinansyal at angkop na maluwag na patakarang pansalapi.

Tinukoy din niyang ang kasalukuyan ay masusing panahon ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at dapat ipagpatuloy at patatagin ng iba't ibang bansa ang patakaran sa makro-ekonomiya, tutulan ang proteksyonismo at pasulungin ang pagpapanumbalik ng paglaki ng kabuhayang paddaigdig.

Sinabi naman ni Zhou na dapat patuloy na panatilihin ng iba't ibang bansa ang mahigpit na kooperasyon para pasulungin ang pagbangon ng kabuhayan at matatag na takbo ng sistemang pinansyal. Hinimok niya ang mga pandaigdig na organisasyong pinansyal na palakasin ang paunang babala, transnasyonal na kooperasyon sa pagsusuperbisa at paghawak ng krisis.

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>