|
||||||||
|
||
Sa komunike na ipinalabas sa pulong, sinang-ayunan ng G20 na batay sa pagpapanatili ng matatag na presyo at sustenableng kalagayang pinansyal, patuloy na isasagawa ang pangmalawak na patakarang pinansyal at pansalapi na itinakda sa Washington Summit at London Summit ng G20 para igarantiya ang patuloy na pagbangon ng kabuhayan ng buong daigdig. Sinang-ayunan din ng iba't ibang bansa na sa panahong ganap na mapapanumbalik ang kabuhayan, itatakda ang magkakaisang patakaran ng pag-urong sa plano ng pagpapasigla ng kabuhayan.
Ipinangako rin ng komunike na patuloy na pasulungin ang reporma sa mga pandaigdig na organong pinansyal at bigyan ng mas maraming karapatang magsalita ang mga bagong economy sa aspekto ng pamamahala sa organo at pagtatakda ng patakaran.
Binigyang-diin din ng magkasanib na deklarasyon ng pulong na dapat lalo pang palakasin ang sistemang pinansyal para maiwasan ang muling pagganap ng krisis.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |