Binuksan kamakailan sa Beijing ang eksibisyon sa mga artworks na nakokolekta ng mga embahadang dayuhan sa Tsina. Itinatanghal sa eksibisyon ang mahigit 200 artworks mula sa mga embahada sa Tsina ng 33 bansang Asyano at Europeo na kinabibilangan ng mga katutubong kasuotan ng Pilipinas para ipakita ang pagpapalitan ng kultura at sibilisasyon sa pagitan ng Asya at Europa.
Ang eksibisyong ito ay isang aktibidad ng Culture and Arts Festival ng Asya at Europa. Ang pestibal na ito ay naglalayong palawakin ang pagpapalitan ng kultura at sibilisasyon ng Asya at Europa at pasulungin ang diyalogo at komong kasaganaan at kaunlaran ng kultura at sibilisasyon ng Asya at Europa.
Salin:Sarah