Isiniwalat ngayong araw ni Jiang Yu, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na gaya ng nakagawian, aanyayahan ng panig Tsino ang mga diplomatang dayuhan sa Tsina para dumalo sa mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, pero hindi espesiyal na aanyayahan ang mga lider ng ibang bansa.
Ang unang araw ng Oktubre ay ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng bagong Tsina at idaraos sa Beijing ang maringal na parada at malawakang demonstrasyon bilang pagdiriwang.
salin:wle