Dinaluhong kahapon ng bagyong Ondoy ang hilagang silangang baybaying-dagat ng Pilipinas na nagdulot ng napakalakas na ulan sa gitnang lugar ng Luzon na kinabibilangan ng Maynila. Ayon sa inisyal na estadistika ng pamahalaang Pilipino, sa bagyong ito, di-kukulangin sa 56 na tao ang namatay at halos 1800 iba pa ang inilikas.
Ipinatalastas nang araw ring iyon ni Gilberto Teodoro, tagapangulo ng National Disaster Coordinating Council ng Pilipinas, ang state of calamity sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan para mas epektibong ipamigay ang mga tulong na materyal sa mga grabeng naapektuhang lugar.
Salin: Liu Kai