Ayon sa ulat ngayong araw ng National Disaster Coordinating Council ng Pilipinas, sa panahon ng pagdaluhong sa bansa ng mga bagyong Ondoy at Pepeng nitong 2 linggong nakalipas, naganap ang baha at landslides sa ilang lalawigan sa Luzon na ikinamatay ng mahigit 500 tao hanggang sa kasalukuyan at ikinawawala ng 83 iba pa.
Ayon sa NDCC, umalis kagabi ng Pilipinas ang bagyong Pepeng at sa 7 araw na pananatili nito sa bansa, naapektuhan ang halos 490 libong pamilya at di-kukulangin sa 193 tao ang namatay. Ang bagyong Ondoy naman ay nagdulot ng pinakagrabeng baha sa Pilipinas nitong 40 taong nakalipas, di-kukulangin sa 337 tao ang namatay at nananatili pa ngayon ang 240 libong tao sa mga evacuation center.
Ayon sa panig opisyal, ang dalawang bagyong ito ay nagdulot ng mahigit 15 bilyong Piso na kapinsalaang pangkabuhayan sa Pilipinas.
Salin: Liu Kai