Binuksan ngayong araw sa Nanning ng Guangxi ng Tsina ang ika-6 na China-ASEAN Business and Investment Summit. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Pangalawang Premyer Li Keqiang ng Tsina, Punong Ministro Bouasone ng Laos, Surin Pitsuwan, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN at iba pa.
Ang tema ng naturang summit ay "Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN at Integrasyon ng ASEAN: nagtutulungan at magkakasamang umuunlad". Halos 1.5 libong kinatawan mula sa iba't ibang sirkulo ng Tsina at iba't ibang bansa ng ASEAN at organisasyong pandaigdig at panrehiyon ang lumahok sa summit na ito at lalahok din sila sa iba't ibang pag-uusap at simposyum para talakayin ang hinggil sa magkakasamang pagharap sa krisis at pagbubukas ng pamilihan, bagong pagkakataon ng komersyo at iba pang paksa.