Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-6 na CAExpo, lumikha ng maraming rekord sa kasaysayan

(GMT+08:00) 2009-10-20 12:04:42       CRI

Binuksan ngayong araw sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina, ang ika-6 na China-Asean Expo o CAExpo. Ang mahigit 4600 booth at mahigit 80 aktibidad ng pagpapasulong ng komersyo at kalakalan ay naging rekord sa kasaysayan ng ekspong ito at tuluy-tuloy na lumalawak ang saklaw ng paglahok ng mga bansang Asean.

Sinabi ni Surin Pitsuwan, pangkalahatang kalihim ng Asean, na makakapagpatingkad ang kasalukuyang CAExpo ng mas mahalagang papel, dahil ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina't Asean o CAFTA na komprehensibong itatatag sa Enero ng taong 2010 ay magiging isa sa mga pinakamalaking malayang sonang pangkalakalan sa daigdig, ang naturang napakalaking pamilihan ay makakapaghatid ng benebisyo sa 1.9 bilyong mamamayan sa rehiyong ito.

Sinabi naman ni Zhang Chaomei, pangalawang direktor ng departamento ng pag-unlad ng kalakalan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa ilalim ng pagpapasulong ng CAExpo, walang humpay na natatamo ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina't Asean ang bagong breakthrough. Ang CAExpo ay naging plataporma ng pagpapabilis ng konstruksyon ng CAFTA at kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina't Asean.

Salin: Vera

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>