Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasalukuyang CAEXPO, nagtatampok sa pagtutulungan

(GMT+08:00) 2009-10-20 18:20:57       CRI

Binuksan ngayong araw sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, ang ika-6 na China-Asean Expo o CAEXPO at China-Asean Business at Investment Summit. Kalahok dito ang mga tauhan ng Tsina at 10 kasaping Asean mula sa larangang pulitikal, larangang komersyal at sektor na akademiko.

Nakatakdang makumpleto ang pagtatatag ng China-Asean Free Trade Area o CAFTA sa taong 2010. Sapul nang simulan ang CAEXPO, nagtatampok na ito sa layunin ng pagpapasulong ng pagtatatag ng CAFTA at pagpapalago ng pagtutulungang Sino-Asean.

Kaugnay ng pananaw sa pagtutulungan pagkaraang itatag ang CAFTA, ganito ang tinuran ng kalahok sa seremonya ng pagbubukas na si Pangalawang Premyer Li Keqiang ng Tsina.

"Sa tingin ko, dapat samantalahin ng Tsina't Asean ang pagkakataon ng nalalapit na pagtatatag ng CAFTA para mapasulong ang sustenable at mas mataas na lebel na pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig. Sa kasalukuyan naman, dapat pa rin nating unahin ang pagtugon sa pandaigdig na krisis na pinansyal para lubusang makapaghanda para sa pag-unlad sa hinaharap."

Ang CAFTA ay ang unang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at isang panig na dayuhan at ito rin ang unang malayang sonang pangkalakalan ng Asean at ng isang panig na banyaga. Kaugnay nito, ganito ang sinabi ni Surin Pitsuwan, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.

"Nakatakdang makumpleto ang pagtatatag ng CAFTA sa Enero ng susunod na taon at kasabay nito, ang pokus ay pagdako ng Tsina't Asean sa pagpapasulong ng liberalisasyong pangkalakalan at sa gayon, direktang makapagtamasa ang mga bahay-kalakal ng rehiyon sa mga paborableng patakaran na dulot ng CAFTA."

Bilang Country of Honor ng kasalukuyang CAEXPO, ganito ang koment ni Puong Ministro Bouasone Bouphavanh hinggil sa katuturan ng idinaraos na CAEXPO.

"Makabuluhan ang kasalukuyang CAEXPO. Una, nagsisikap ang Asean para maitatag ang Asean Community. Ikalawa, itatatag na ang CAFTA sa 2010."

Naroon ngayon sa Guangxi ang aming reporter na si Sissi para ikober ang kasalukuyang CAEXPO at kinapanayam niya si Gng. Ma. Lourdes D.Mediran, puno ng delegasyong Pilipino. Ganito ang salaysay ni Gng Mediran hinggil sa kanilang delegasyon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>