Nang kapanayamin ng mamamahayag ng China Radio International (CRI), sinabi kahapon sa Nanning ng Guangxi ng Tsina ni Bouasone Bouphavanh, Punong Ministro ng Laos, na tiyak na mananatiling mabuti ang tunguhin ng pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at Laos at malaki ang potensiyal nito.
Sinabi ni Bouasone Bouphavanh na mula noong 2008 hanggang 2009, umabot sa 442 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at Laos. Aniya, maraming bahay-kalakal na Tsino ang namumuhunan sa Laos sa larangan ng agrikultura, manufacturing industry, elektrisidad, yamang mineral at iba pa. Nananalig siyang tiyak na mananatiling mabuti ang tunguhin ng pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at Laos at malaki ang potensiyal sa hinaharap.