Ipininid ngayong araw sa Nanning ng Guangxi ng Tsina ang Porum ng Tsina at ASEAN sa pag-unlad at kooperasyong pinansiyal. Ipinalabas ng mga kalahok na panig ang komong deklarasyon na iniharap ang 3 pangunahing target ng pangangalaga sa katatagang pinansiyal ng rehiyong ito, pagpapalakas ng kooperasyong panrehiyon sa pananalapi at pagpapasulong ng kooperasyong pampuhunan sa rehiyong ito.
Tinukoy ng deklarasyong ito na kasunod ng pagpapasulong ng konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, lumalalim nang lumalalim ang kooperasyon ng dalawang panig sa pamumuhunan at kalakalan, dapat pabilisin ang kooperasyong pinansiyal sa rehiyong ito at palakasin ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa iba't ibang antas.
Salin: Ernest