Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nakahandang magpasulong ng serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya na matamo ang positibong bunga

(GMT+08:00) 2009-10-23 17:08:03       CRI
Sa paanyaya ni Abhisit Vejjajiva, punong ministro ng Thailand, tagapangulong bansa ng Asean, lumisan ngayong hapon si premiyer Wen Jiabao ng Tsina papunta sa Thailand para lumahok sa isang serye ng pulong ng mga lider ng Silagang Asya. Ipinahayag ng mataas na opisyal ng Ministring panlabas ng Tsina na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pulong na ito, at makikipagpalitan sa iba't ibang panig ng mga palagay hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon ng Asya at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nilang pinahahalagahan, para pasulungin ang pulong na matamo ang positibo at aktuwal na bunga.

Sa loob ng dalawang araw, lalahok si premiyer Wen sa ika-12 pulong ng mga lider ng Tsina at Asean (10+1), ika-12 pulong ng mga lider ng Asean at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), at ika-4 na Summit ng Silangang Asya. Idinaos ang kasalukuyang serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya sa background ng pagpapanatili ng mga bansa ng Silangang Asya ng tunguhin ng kooperasyon at aktibong pagharap sa pandaigdigang krisis na pinansiyal. Ipinahayag ni Hu Zhengyue, asisdente ng Ministrong panlabas ng Tsina na umaasa ang Tsina na patuloy na ginagawang pangunahing tungkulin ng iba't ibang kalahok na panig ang pagharap sa pandaigdigang krisis na pinansiyal bilang pangunahing tungkulin, malalim na tatalakayin ang hinggil sa pagpapasulong ng malusog na recovery ng kabuhayan ng rehiyon at daigdig. Sa pulong, magpapalitan rin sila ng mga palagay hinggil sa, pangunahin na, pagpapalakas ng aktuwal na kooperasyon, at sa mga pandaigdigang isyung tulad ng reporma ng pandaigdigang sistemang pinansiyal, pagbabago ng klima, kaligtasan ng pagkaing-butil. Sinabi niyang:

"lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang naturang mga pulong. Batay sa diwa ng pagpapatibay ng kompiyansa, pagpapalalim ng kooperasyon, pagpapasulong ng kooperasyon, makikipagpalitan ang Tsina sa mga may kinalamang bansa ng palagay hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon ng Silangang Asya at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nilang pinahahalagahan, para pasulungin ang pulong na matamo ang positibo at aktuwal na bunga. "

Ayon pa sa ulat, sa pulong, isasalaysay ni premiyer Wen Jiabao ng Tsina ang mga hakbangin ng Tsina sa pagharap sa pandaigdigang krisis na pinansiyal at bunga nito, ilalahad ang palagay at paninindigan ng Tsina sa pagpapalakas ng kooperasyon ng Silangang Asya, ihaharap ang kongkretong mungkahi hinggil sa kooperasyon sa mga larangan ng kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, konstruksyon ng imprastruktura, agrikultura, pinansya, kultura at iba pa sa ilalim ng framework ng 10+1 at 10+3. Uulitin ni premiyer Wen na kinakatigan ng Tsina ang konstruksyon ng integrasyon ng Asean at pagsisikap ng Asean sa pagpapaliit ng agwat ng pag-unlad sa loob ng Asean. Binigyan-diin ni Hu na ang pagdalaw ni Wen sa Silangang Asya ay may mahalagang papel sa lalo pang pagpapasulong ng pagkakaibigan ng Tsina at mga kapitbansa, pagpapalawak at pagpapalalim ng kooperasyon ng Silangang Asya at pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, at magkasamang pag-unlad ng rehiyong ito.

Datapuwa't may pandaigdigang krisis na pinansiyal, ang bilateral na kalakalan ng T sina at Asean noong unang 9 na buwan ng taong ito ay halos umabot sa 150 bilyong dolyares, sa kasalukuyan, ang Tsina at Asean ay ika-4 na pinakamalaking trade partner ng isa't isa. Sa unang araw ng Enero ng susunod na taon, komprehensibong matatatpos ang malayang zonang pangkalakalan ng Tsina at Asean, bagay na sumasagisag na ang intergrasyon ng kabuhayan ng dalawang panig ay aabot sa walang katulad na lebel. Sinabi ni Zhang Kening, counsellor ng Ministri ng komersyo ng Tsina na:

"ito ay kauna-unahang malayang zonang pangkalakalan na itinatag ng Tsina sa labas, at pinakamalaki ring malayang zonang pangkalakalan na binuo ng mga umuunlad na bansa sa kasalukuyan."

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>