Mula ika-23 hanggang ika-26 ng buwang ito, idinaos sa Baise ng Guangxi ang perya ng modernong agrikultura ng Tsina at ASEAN. Sa araw ng pagbubukas, 21 proyekto na nagkakahalaga ng 9.915 trilyong Yuan, RMB ang nalagdaan.
Isasagawa sa peryang ito na may temang "Pagdidispley ng bagong bunga ng agrikultura at magkakasamang paghahanap ng bagong pag-unlad ng agrikultura", ang isang serye ng aktibidad at porum hinggil sa pag-unlad ng modernong agrikultura para mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa larangan ng teknolohiya ng modernong agrikultura.
Salin: Li Feng