Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Hu, sinimulan ang biyahe sa Malaysiya at Singapore; lalahok din sa APEC Summit

(GMT+08:00) 2009-11-10 18:59:21       CRI

Nitong nagdaang Sabado ng gabi, dumalo kami ni Andrea sa Pista Charity Ball na nasa pagtataguyod ng Philippine community dito sa Beijing at salamat dito, higit pang maraming donasyon ang nalikom para sa mga Pinoy na nabiktima ng bagyo at baha. Kasabay nito, sabi rin sa akin ni Mary Song Zhao, tagapag-organisa ng donasyon na inilunsad ng Philippine Studies Program ng Peking University, na ipapadala na sa Pilipinas ang mga nalikom na donasyon. Sana may mga Pinoy na totoong makinabang dito.

Lumisan ng Beijing ngayong umaga si Pangulong Hu Jintao ng Tsina para pasimulan ang kanyang 6 na araw na biyahe sa Malaysiya at Singapore at lalahok din siya sa ika-17 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Ang Malaysiya ay ang unang hinto ng biyahe ni Pangulong Hu. 5 buwan na ang nakakaraan, bumisita sa Tsina si Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysiya at umaasa ang panig Tsino na sa pamamagitan ng kasalukuyang pagdalaw ni Pangulong Hu, mapapalalim ng dalawang bansa ang kanilang estratehikong pagtutulungan.

Noong unang araw ng nagdaang Enero naman, nagsimulang magkabisa ang Free Trade Agreement ng Tsina't Singapore at ito ang unang FTA na nalagdaan ng Tsina at isang bansang Asean. Sa kanyang gagawing pagdalaw, pasusulungin ni Pangulong Hu ang pagtatamo ng Tsina't Singapore ng bagong bungang pangkooperasyon sa mga pangunahing larangan.

Sa darating na Enero, maitatatag na ang CAFTA, China-Asean Free Trade Area. Kaugnay ng katuturan ng kasalukuyang biyahe ni Pangulong Hu, ganito ang ipinagdiinan ni G. Hu Zhengyue, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina.

"Ito ang unang pagdalaw sa Malaysiya at Singapore ni Pangulong Hu Jintao bilang puno ng estado at may mahalagang katuturan ito sa pagpapalago ng relasyon ng Tsina at nasabing dalawang bansang Asean at ng relasyon ng Tsina at buong Asean."

Pagkaraan ng kanyang pagdalaw sa nasabing dalawang bansang Asean, lalahok din si Pangulong Hu sa ika-17 APEC Summit na gaganapin mula ika-14 hanggang ika-15 ng buwang ito sa Singapore. Tungkol sa pananabik ng panig Tsino sa idaraos na summit, ganito ang sinabi ni G. He Yafei, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina.

"Umaasa ang panig Tsino na mararating ng mga lalahok na bansa sa gaganaping APEC Summit ang mga konkretong hakbanging pangkooperasyon para mapasulong ang muling paglago ng kabuhayang pandaigdig. Umaasa rin kaming makapaghahatid ang gaganaping summit ng malinaw na signal pagdating sa pagtutol sa proteksyonismong pangkalakalan at sa pagkatig sa Doha Round Talks, makapagpapasulong ng pagtatamo ng bagong progreso sa integrasyong pangkabuhayan ng rehiyon at patuloy na makapagpapasulong sa reporma ng APEC."

Ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagtatatag ng APEC at sa gaganaping summit, ilalahad ni Pangulong Hu ang mga paninindigan ng panig Tsino hinggil sa pagtugon sa krisis na pinansyal, pagharap sa pagbabago ng klima at pananaw sa pag-unlad ng APEC sa hinaharap.

Pagpasok ng taong ito, nakapagsagawa ang pangulong Tsino ng isang serye ng pagdalaw sa ibayong dagat. Kaugnay nito, ganito ang koment ni G. Zhu Feng, daluhasang Tsino sa relasyong pandaigdig mula sa Peking University.

"Ang mga ginawang pagdalaw ng pangulong Tsino at ang paglahok niya sa mahahalagang pulong na gaya ng G20 Summit at UN Summit ay nagpakita ng imahe ng Tsina bilang isang responsableng miyembro ng komunidad ng daigdig sa pagharap sa mga hamong pandaigdig."

Salin: Jade

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>