Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

APEC, pasusulungin ang kooperasyon ng iba't ibang miyembro

(GMT+08:00) 2009-11-11 18:04:21       CRI
Idaraos mula ika-14 hanggang ika-15 sa Singapore ang ika-17 di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC, The Asia-Pacific Economic Cooperation.

Ang taong ito ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng APEC, at pagkaraang 20 taong pag-unlad, ang APEC ay naging isang pangkabuhayang organisasyong pangkooperasyon na may pinakamabuting mekanismo at pinakamataas na antas ng rehiyong Asya-Pasipiko. Ipinalalagay ni Su Hao, puno ng sentro ng pananaliksik sa Asya-Pasipiko ng China Foregin Affairs University, na:

"ang pinakamalaking bunga ng APEC ay pinagbuklod ang mga Pan Pacific Country. Sa isang transnasyonal na platapoma, isinasagawa ang diyalogo at pagpapalitan sa kooperasyong pangkabuhayan. Kaya ito ay nakakabuti sa kooperasyong pangkabuhayan sa pagitan ng mga maunlad na bansa at umuunlad na bansa. Ipinagkaloob ng APEC ang isang mainam na plataporma para sa kooperasyong pangkabuahayan sa buong rehiyong Asya-Pasipiko."

Sa okasyon ng pagdaraos ng naturang pulong ng APEC, lumitaw ang tunguhin ng recovery ng kabuhayan sa buong daigdig, ngunit, kinahakarap pa rin nito ang maraming hamon, kaya, ayon sa napg-alaman, sa di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC, tatalakayin, pangunahin na, ang mga isyung tulad ng pagpapanatili ng pag-unlad ng kabuhayan, pagpapalakas ng kooperasyong panrehiyon at iba pang paksa. ipinalalagay ni Su na, sa kasalukuyan, may ilang problema sa pag-unlad ng kabuhayan sa loob ng APEC, tulad ng proteksyonismong pangkalakalan, at tatalakayin sa naturang pulong ang isyung ito.

Ipinalalagay din ni Su na ang pagpapanatili ng katatagan ng kaayusang pinansiyal ay isa ring mahalagang nilalaman ng pulong na ito. Sinabi niyang:

"sa pagitan ng iba't ibang bansa, espesyal na sa pagitan ng ilang umuunlad na bansa at maunlad na bansa, mahigpit ang malalim na intergrasyon sa pinansya. Da pat isabalikat ng mga maunlad na bansa ang responsibilidad para mapanatili ang katatagan ng kaayusang pinansiyal sa rehiyong ito."

At ang isyu ng reporma at konstruksyon ng mekanismo ay ibang hamon na kinakaharap ng APEC. Nitong nakaraang ilang taon, pinapasulong ng APEC ang diyalogo at kooperasyon sa pagitan ng iba't ibang miyembro batay sa diwa ng bukas, bagay na nagdulot ng malaking kapakanan sa mga miyembro nito. Ngunit, iniharap ng ilang tao na dapat pasulungin ang APEC sa tungo sa pagiging mas mekanismo. Hinggil dito, ipinalalagay ni Su na sa kasalukuyang yugto, angkop ang posisyon ng APEC na bilang isang plataporma ng pagpapalitan at diyalogo ng kabuhayan. Sinabi niyang:

"hanggang sa kasalukuyan, ang APEC ay isang plataporma ng koordinasyon para sa pagsasagawa ng kooperasyong pangkabuhayan. Dahil malawak ang saklaw ng APEC, may ilang kahirapan sa pagtalakay ng kongkretong isyu, ngunit, dapat tayo magsagawa ng paraan ng unti-unting pag-unlad sa proseso ng konstruksyon ng APEC. "

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>