Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Talumpati ni Hu Jintao sa APEC CEO Summit, nakatanggap ng mainit na reaksyon

(GMT+08:00) 2009-11-14 15:22:22       CRI
Ang talumpati kahapon ni pangulong Hu Jintao ng Tsina sa APEC CEO Summit ay nakatanggap ng mainit na reaksyon mula sa mga kalahok at ipinalalagay nilang nagdulot ito ng kompiyansa at pag-asa.

Sinabi ni Deborah Henretta, presidente ng Procter & Gamble Co. Asia, na ang mga hakbangin at plano na inilahad ni Hu sa kanyang talumpati ay makakatulong sa patuloy na pagbangon at paglaki ng kabuhayan ng rehiyong ito.

Sinabi ni Jaime Santos, puno ng Instituto ng Mangangalakal na Asyano ng Pilipinas, na ang mabilis na paglaki ng kabuhayang Tsino ay makakabuti sa pagpapanumbalik ng kompiyansa ng mga iba pang economy ng Asya.

Ipinahayag ni Hermann Ude, CEO ng DHL Global Forwarding, na sa panahong itong bumabangon ang kabuhayang pandaigdig, ang naturang talumpati ni Hu ay nagdulot ng kompiyansa sa mga tao.

Ipinahayag naman ni Rahul Gupta, presidente ng General Electric Money Singapore and Malaysia, na ang talumpating ito ay muling nagpapakita ng mahalagang papel ng Tsina sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

Salin: Liu Kai

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>