Idinaos ngayong araw sa Beijing ang 2-araw na simposyum ng pamayapang pandaigdig para sa 2009.
Lumahok sa simposyum ang mahigit 100 kinatawan mula sa 6 na pandaigdig at panrehiyong organisasyon at 21 pamahalaan at hukbo. Ang tema nito ay "pagpapalakas ng pagpapalitan at kooperasyon, pagpapataas ng pamayapang kakayahan ng UN", at ang pangunahing layunin ay malalimang talakayin ang hinggil sa hamong kinakaharap ng aksyong pamayapa ng UN at tunguhin ng pag-unlad nito, nanawagan ito sa iba't ibang bansa na magpalaki ng laang-gugulin sa pamayapang aksyon ng UN, magpalakas ng pagpapalitan at kooperasyon ng mga kasaping bansa sa pamayapang larangan para mapataas ang kakayahan ng UN sa aksiyong pamayapa.
salin:wle