|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Sinabi dito sa Beijing ngayong araw ni tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nagpahayag ang panig Tsino ng pagkatig at pagtanggap sa gagawing diyalogo't pag-uugnayan ng Estados Unidos at Hilagang Korea.
Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Timog Korea, ipinatalastas ngayong araw ni pangulog Barack Obama ng Estados Unidos na bilang espesyal na sugo ng pangulong Amerikano, dadalaw sa Hilagang Korea sa ika-8 ng susunod ng buwan si Stephen Bosworth, espeyal na kinatawan ng Estados Unidos na namamahala sa patakaran sa Hilagang Korea, at isasagawa nila ng Hilagang Korea ang diyalogo hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Kaugnay nito, nagpahayag si Qin Gang ng pag-asang ang ganitong diyalogo at pagkatig ay makakatulong sa pagpapanumbalik ng 6-Party Talks sa lalong madaling panahon, sa pagpapasulong ng proseso ng walang-nuklear na Korean Peninsula at sa pangangalaga sa kapayapaa't katatagan ng peninsula at rehiyong ito.
Salin: Vera
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |