Pinasimulan kahapon ng delegasyon ng Tibetologist na Tsino ang pagdalaw sa Edinbergh ng Scotland ng Britanya, at nagpalitan ng kuru-kuro sila ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo sa lokalidad tungkol sa kalagayan ng pag-unlad ng rehiyong awtonomo ng Tibet.
Nang araw ring iyon, isinalaysay ng delegasyon ang kalagayang pangkaunlaran ng kabuhayan, lipunan at kultura ng Tibet sa mga congressman, at nagpalitan sila ng palagay tungkol sa konstruksyon ng kapaligirang ekolohikal, pagpapasulong ng industriyang panturista at iba pang paksa. Ipinahayag ni Tom McCabe, kinatawan ng mga kongressman ng Scotland, na ang pagdalaw ng delegasyon ng Tibetologist ng Tsina ay makakatulong sa mas mabuting pagkaunawa ng mga kongressman sa Tibet.
Salin: Sissi