Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Jia Qinglin at GMA, nagtagpo

(GMT+08:00) 2009-11-20 17:44:30       CRI

Kinatagpo ngayong araw sa Manila si Jia Qinglin, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas.

Ipinahayag ni Arroyo na ang kooperasyon ng Pilipinas at Tsina ay hindi lamang nagdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi rin nakipag-ambag sa mabisang pagharap ng Pilipinas sa epekto ng pandaigdig na krisis na pinansyal. Ipinalalagay anya ng kanyang bansa na mahalaga ang modernisasyon ng Tsina sa Pilipinas at buong Asya at umaasa siyang mapapalawak ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan at mapapataas ang kanilang relasyon sa bagong antas.

Ipinahayag naman ni Jia na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Pilipinas, para komprehensibo at malalim na mapasulong ang estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa para makinabang dito ang kanilang mga mamamayan.

Sinabi rin ni Jia na pinasasalamatan ng panig Tsino ang pamahalaang Pilipino sa pagkaunawa at pagkatig nito sa Tsina nitong mga nakalipas na panahon sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes ng Tsina. Anya, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang paglahok sa mga malaking proyektong pangkooperasyon na may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino at nakahanda itong patuloy na enkorahehin ang mga bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan sa Pilipinas.

Salin: Ernest

Comments
Nagbabagang Paksa
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>