Kinatagpo ngayong araw sa Tokyo si dumadalaw na ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina ni punong ministro Yukio Hatoyama ng Hapon.
Ipinahayag ni Hatoyama na ang madalas na pagpapalagayan sa mataas na antas ng Hapon at Tsina ay mahalaga para sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa at umaasa siyang mapapanatili ng dalawang bansa ang tunguhing ito.
Sinabi naman ni Yang na nakahanda ang Tsina, kasama ng Hapon, na samantalahin ang kasalukuyang paborableng pagkakataon para ibayo pang madagdagan ang estratehikong laang-gugulin sa relasyon ng dalawang bansa, mapalalim ang bilateral na pagtutulungan at pagpapalagayan sa mataas na antas, mapalawak ang kooperasyon sa Asya, mapahigpit ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig at mapasulong ang estratehikong relasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai