Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency, noong isang buwan, umabot sa 208.2 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang panlabas ng Tsina na lumaki nang 9.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Ayon sa estadistika ng adwana ng Tsina, kapansin-pansing bumuti ang kalakalang panlabas ng Tsina. Noong nagdaang Disyembre, umabot sa 113.65 bilyong dolyares ang halaga ng pagluluwas ng Tsina na lumaki nang 2.6% kumpara sa nagdaang Oktubre; umabot naman sa 94.56 bilyong dolyares ang halaga ng pag-aangkat na lumaki nang 9%.