Sa kaniyang mensaheng pambagong taon, nilagom kahapon ni PM Lee Hsien Loong ng Singapore ang paglaki ng kabuhayan ng bansang ito sa buong taon. Sinabi niya na pagkaraang lumitaw ang pag-urong ng kabuhayan ng Singapore noong una at ikalawang kuwarter ng 2009, bumuti ito noong ika-3 kuwarter at natamo ang 3.5% paglaki noong ika-4 na kuwarter.
Sinabi rin niya na bagama't lumitaw ang paglaki ng kabuhayan nito noong ika-4 na kuwarter, bumaba pa rin sa 2.1% ang kabuhayan ng Singapore noong isang taon.
Salin: Li Feng