Naglakbay-suri ngayong araw si punong ministro Hun Sen ng Kambodya sa rehiyon ng Preah Vihear Temple sa purok-hanggahan nila ng Thailand.
Sinabi ni Hun Sen na umaasa ang Kambodya na ang kalagayan sa hanggahan nila ng Thailand ay manunumbalik sa kalagayan bago ang ika-15 ng Hulyo ng taong 2008 at kung ganoon, muling bubuksan ng Kambodya ang daanan sa Preah Vihear Temple. Inulit din niya ang pag-asa ng pamahalaan ng Kambodya na mapapatatag at mapapaunlad ang relasyong pangkooperasyon nila ng mga kapitbansa.
Sa isang may kinalamang ulat, sinabi kahapon ng pangalawang tagapagsalita ng ministring panlabas ng Thailand na ang pagbisita ni Hun Sen sa rehiyon ng Preah Vihear Temple ay hindi makakaapekto sa soberanya ng Thailand at sa halip, magkakaloob ito ng isang pagkakataon para malutas ang isyung panghanggahan ng dalawang bansa.