
Ayon sa preliminary results, nagwagi si Viktor Yanukovych, lider ng oposisyon, sa katatapos na halalang pampanguluhan ng Ukraine.
Sinabi kahapon sa isang preskon ng Ukraine Central Election Committee na balido ang mga boto sa katatapos na runoff at ang pinal na resulta ay ipapalabas sa loob ng 10 araw ayon sa kaukulang batas ng Ukraine.
Napag-alamang hanggang sa kasalukuyan, 98.7% ng mga boto ang nabilang na ng komite ng eleksyon at kabilang dito, si Yanukovych ay nakakuha ng 48.46% ng mga boto samantalang ang kasalukuyang punong ministro na si Yulia Tymoshenko ay nakapagtamo lamang ng 45.78%.