|
||||||||
|
||
Kahapon ay ang huling araw ng 7-araw na bakasyon para sa Spring Festival sa Tsina. Nitong nakalipas na 7 araw, isinagawa ng mga departamento ng transportasyon ng Tsina ang mga mabisang hakbangin ng paghahatid ng mga pasahero at hanggang sa kasalukuyan, walang naiipit na pasahero.
Ayon sa Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon ng Tsina, sa loob ng kasalukuyang bakasyon, naihatid ang halos 280 milyong pasahero sa pamamagitan ng daambakal, lansangan at waterway.
Ayon naman sa Civil Aviation Administration ng Tsina, nitong nakalipas na 7 araw, ang bilang ng mga pasahero sa pamamagitan ng abiyasyon ay lumaki ng halos 20% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |